Anuman ang iyong nasyonalidad, maraming tao ang nangangarap na maging bida sa pelikula. Gayunpaman, kakaunti lamang mga tao na maaring mabigyan ng ganitong pagkakataon.
Sa pagkakataong ito, maaaring dumating sa iyong buhay ang isang "bihirang" oportunidad.
Magkakaroon ng shooting ng pelikula sa Hakuba Village, Nagano Prefecture sa loob ng halos isang linggo sa unang bahagi ng taong ito.
Pipigilan kong banggitin ang panahon ng paggawa ng pelikula dito upang hindi makagambala sa paggawa ng pelikula, ngunit gusto kong ibahagi ang mga detalye sa mga taong makipag-ugnayan sa akin at nais na makipagtulungan.
May nakiusap sa amin na nangangailangan ng aming tulong sa paghahanap ng mga dayuhan na maaaring gumanap bilang mga extra sa pelikula, at naghahanap kami ng mga dayuhang interesado.
Bakit hindi gawin ag unang hakbang tungo sa pagiging isang bida sa pelikula na may ganitong natatanging pagkakataong maranasan ang isang propesyonal na set sa isang bagay na bihirang makatagpo sa pang araw-araw na buhay?
*Pakitandaan: Ang kahilinagng ito ay para lamang sa mga dagdag sa mga piling eksena sa pelikula (sa loob at labas).Gayunpaman, maari itong maging isang magandang pagkakataon para sa networking.
*Mga kinakailangan:
- Caucasian (lalaki o babae)
-Edad: 25 hanggang 45 taong gulang
-Pangangatawan: karaniwan hanaggang sa pang-atletang pangangatawan
-Lengguwahe: Nakakaintindi ng Japanese o English (sapat na para maunawaan ang mga sinasabi mula sa mga tauhan ng paggawa ng pelikula)
-Lokasyon: Maaaring manirahan sa Hakuba Village o pumunta sa lugar sa panahong gaganapin ang paggawa ng pelikula.
*Sa mga interesado, kontakin si Kikuchi Jocelyn (may Japanese at English bersyon) na siyang namamahala sa proyektong ito.
Kontak:
-Mobile phone: 090-9354-4402
Tumatanggap din kami ng mga mensahe sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma mula sa social media.
Takdang petsa: Biyernes, ika-24 ng Enero
Inaasahan naming makarinig mula sa iyo sa lalong madaling panahon.